07
Ago
07

Kamusta Kayong Lahat?

Ako nga pala si Rex, isa sa mga team member nitong blog na to. Kailangan daw namin magpakilala isa-isa kaya eto.

Kung makikita nyo naman, ay medyo wala pang laman ito na mga angal. Kaya sisimulan ko na.

Nung isang linggo, nandito ang ASEAN delegates. Kung di ba naman talagang may topak itong mga pulis na to, sinara nila ang left turn papunta ng Pedro Gil kung galing ka ng Roxas Boulevard. Kailangan mo pa tuloy umikot sa Quirino Avenue para makapunta sa Pedro Gil. Lalo lang tuloy nag-trapik. Ewan ko ba.

07
Ago
07

Lumalagablab na Isyu!

Kaibigan, sinu-swerte ka ngayong araw na ito dahil isa ka sa unang mga taong nakaalam tungkol dito sa Serbisyong Tapat.

Sama sama tayong mag-reklamo at umangal tungkol sa mga bagay na kinaiinisan natin.




Enero 2012
L L M M H B S
« Ago    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Mga Buwan


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.